Datapwat walang pampangulong botohan ngayong taon, ang mga Texan na karapat-dapat na bumoto ng mga pang-estadong pinuno at mga representative na nakabase sa distrito ay maaaring bumoto.
Ang governor, lieutenant governor, attorney general, comptroller, land commissioner and agriculture commissioner – na pawang magsisilbi nang apat-na-taong termino – ay ang mga iluluklok sa pwesto.
Ang mga miyembro ng Railroad Commission ng estado, na nagbibigay ng mga alituntunin ukol sa langis at gasolina, at ang iba’t-ibang korte ng estado ay ang mga iboboto at manunungkulan nang anim-na-taong termino.
Ang lahat ng kinakatawan ng U.S., senador ng estado, kinakatawan ng estado, at mga miyembro ng State Board of Education ay iluluklok rin sa puwesto sa pamamagitan ng eleksyon pagkatapos ng redrawing of political districts noong isang taon base sa 2020 census. Ang U.S. at kinakatawan ng estado ay ibinoboto nang dalawang-taong termino habang ang senador ng estado at ang mga miyembro ng State Board of Education naman ay gumagamit ng pamamaraan ng draw lots upang manungkulan nang dalawa o apat na taong termino matapos ang unang eleksyon matapos ang redistricting.
Ang ibang mga komunidad sa Texas ay magsasagawa rin ng eleksyon para sa lungsod, county, at school board offices at local bonds o propositions.
Sa Oktubre 11 ang huling araw ng pagpaparehistro upang makaboto at upang ipasa ang bagong tirahan para sa eleksyon na midterm.
Maaari mong iulat ang pagbabago ng tirahan o pangalan online. Dapat mo ring iulat kung lumipat ka na ng tirahan mula nuong huling beses kang bumoto lalo na kung lumipat ka sa ibang bansa o ibang political subdivision, o kung ligal kang nagkaroon ng bagong ibang pangalan.
Paano ko malalaman kung nakarehistro ako bilang botante?
Maaari mong malaman kung nakarehistro ka bilang botante at maberipika ang iyong impormasyon sa website ng kalihim ng estado ng Texas. Kakailanganin mo ng isa sa mga tatlong kombinasyon upang makapasok:
Ang numero ng iyong Texas lisensya pangmaneho at ang petsa ng kapanganakan.
Ang iyong pangalan at apelyido, petsa ng kapanganakan, at ang county kung saan ka naninirahan.
Ang petsa ng iyong kapanganakan at Voter Unique Identifier, na nakalagay sa iyong voter registration certificate.
Magbasa ng iba pang mga impormasyon tungkol sa pangangailangan upang magparehistro bilang botante o voter registration requirements sa ibaba pa ng artikulong ito.
Sa Oktubre 28 ang huling araw para sa pag-a-apply upang makaboto by mail o sa pamamagitan ng sulat/koreo.
Kailan ko kailangang ihulog o ipadala ang sulat na naglalaman ng aking application?
Ang lahat ng aplikasyon ay kinakailangang matanggap ng voting clerk -hindi postmarked – sa Oktubre 28. Maaari ring ipasa ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng fax o email, ngunit ang county ay kinakailangang makatanggap ng isang hard copy sa loob ng apat na araw. Maaari ring ipasa ang mga aplikasyon nang personal.
Maaaring idownload ang aplikasyon dito o kaya ay hilingin na ang aplikasyon ay ipadala sa iyo dito.
Kung kinokonsidera mong bumoto by mail o sa pamamagitan ng sulat/koreo, bigyan mo ang iyong sarili ng palugit o pataan hangga’t maaari. Kakailanganin mong maglaan para sa oras na maaaring abutin ng iyong county upang makuha ang iyong balota sa iyo sa koreo pagkatapos mong mag-apply.
Kailan ang takdang-petsa upang ipadala ang balota?
Ang takdang-petsa para sa mail-in na mga balota upang dumating sa county ay sa Araw ng Eleskyon, Nobyembre 8. Kapag ang balota ay postmarked ng ika-pito (7) ng gabi sa araw na iyon, ito ay isasama sa pagbibilang kung ito ay natanggap ng county nang ika-5 ng hapon, Nobyembre 9.
Ang balotang absentee ay maaari ring dalhin at ipasa sa opisina ng eleksyon ng county nang personal kasama ang wastong ID habang ang botohan ay bukas sa Araw ng Eleksyon.
Ang mga natapos o nakumpleto na mga balota mula sa militar o mula sa ibang bansa na mga botante ay tatanggapin kung ito ay dumating ng Nov. 14. (Ang mga botanteng nasa militar at nasa ibang bansa ay maaaring dumaan sa ibang paraan ng paghiling at pagbalik ng balota.)
Magbasa nang higit pa tungkol sa mga kinakailangan sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa seksyong ito.
Ang maagang pagboto ng personal ay tatakbo mula Okt. 24 hanggang Nob. 4. Kung hindi ka makakaboto sa loob ng isang lugar ng botohan dahil sa COVID-19 o isang kapansanan, maaaring gamitin mo ang curbside voting.
Sino ang mga maaaring bumoto nang maaga?
Ang sino mang rehistradong botante ay maaaring bumoto nang maaga ngunit ito ay papayagan lamang kung personal na gagawin ang pagboto, maliban na lamang kung kwalipikado kang bumoto by mail o sa pamamagitan ng sulat/koreo.
Saan ako maaaring bumoto nang maaga?
Ang mga botante ay maaaring bumoto sa kahit anong lugar ng botohan o polling location sa county kung saan sila nakarehistro bilang botante. Tingnan sa website ng inyong opisina ng eleksyon ng county ang mga lokasyon kung saan maaring bumoto nang maaga.
Ang Araw ng Eleksyon ay Nobyembre 8.
Bukas ang botohan mula ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa Araw ng Eleksyon.
Ang mga polling location ba sa Araw ng Eleksyon ay kapareho ng mga polling location sa maagang pagboto?
Hindi palagi. Tingnan muna ang bukas na lugar ng botohan o polling location sa iyong lugar bago ka pumunta upang bumoto. Sa ibang mga county, ang pagboto sa Araw ng Eleksyon ay maaaring malimitahan sa lugar kung saan naroroon ang iyong nakatalagang presinto. Pinapayagan ng ibang mga county ang mga botante na bumoto sa kahit saang botohan sa Araw ng Eleksyon.
Sino ang maaring magparehistro upang bumoto sa Texas?
Maaaring magparehistro upang bumoto sa eleksyon ang mga mamamayan ng U.S. sa Texas kung sila ay labingwalong (18) taong gulang o pataas o kung sila ay magiging 18 taong gulang sa Araw ng Eleksyon. Hindi papayagan na magparehistro upang bumoto ang mga mamamayan na nahatulang gumawa ng isang krimen at binubuno pa ang kanyang sentensya, kasama na ang parole o probation, o kung siya ay nadeklara ng hukuman na mayroong mental na kapansanan. Naririto ang ilan pang mga detalye tungkol sa pagiging karapat-dapat.
Paano ako magpaparehistro upang makaboto?
Kakailanganin mong sagutan at ipasa ang paper voter registration application o papel na aplikasyon pangrehistro bilang botante bago mag-Oktubre 11.
Maaari kang humiling ng postage-paid application by mail o sa pamamagitan ng koreo o humingi ng nasabing aplikasyon sa opisina ng taga-rehistro ng botate ng county at sa ilang tanggapan ng koreo, tanggapang pampamahalaan, o mataas na paaralan. Maaari mo ring i-print ang online application at i-padala sa pamamagitan ng mail/koreo sa taga-rehistro ng botante sa iyong county.
Ang mga aplikasyon ay dapat naka-postmark sa Oktubre 11 na takdang-petsa.
I-download ang iyong aplikasyon dito.
Bukod dito, maaari ka ring magparehistro upang bumoto sa pamamagitan ng Texas Department of Public Safety habang nagpapanibago ng iyong lisensya pangmaneho, kahit pa gawin ito online. Ito lamang ang klase ng pagpaparehistro nang online sa estado.
Pagkatapos mong magparehistro upang bumoto, makatatanggap ka ng voter registration certificate sa mga susunod na 30 araw. Nakalakip dito ang iyong impormasyon bilang botante o voter information, pati na ang Voter Unique Identifier number na kailangan sa pag-update ng iyong pagpaparehistro bilang botante online. Kung mayroong maling impormasyon sa sertipiko, kakailanganin mong itala ang mga pagtatama at ipadala ito sa iyong lokal na tagarehistro ng botante sa lalong madaling panahon.
Maaari ring magamit ang voter registration certificate kung wala ka ng isa sa mga pitong aprobado ng estado na photo IDs.
Kailangan mo bang magparehistro muli upang makaboto?
Kapag nakapagparehistro ka nang unang beses, mananatili ka nang rehistrado ngunit mayroong iba’t-ibang dahilan kung bakit dapat mong beripikahin ang katayuan ng iyong pagrehistro. Halimbawa ay kung nararapat mong baguhin ang iyong pagparehistro matapos na maiba ang iyong pangalan o tirahan. Maaari mong gawin ang pagbabago online dito.
Kung makatanggap ang county ng nondeliverable notice o notisya ng hindi maipadala pagkatapos magpadala ng voter registration certificate o suspetyahin ang pagbabago ng tirahan, malalagay ang botante sa “suspense list” at sasabihan siya na kumpirmahin ang tirahan. Ang mga botanteng nasa “suspense list” ay maaari pa ring bumoto kung kukumpirmahin ang kanilang tirahan bago ang huling araw upang magparehistro bilang botante para sa isang eleksyon o kung magsasagot ito ng “statement of residence” kapag boboto, ngunit maaari silang pabotohin sa kanilang dating polling location o pabotohin sa isang limitadong balota. Kung walang gagawing hakbangin ang suspendidong botante, aalisin siya sa voter rolls o listahan ng botante pagkatapos ng apat na taon, ayon kay Sam Taylor, isang tagapagsalita para sa opisina ng kalihim ng estado ng Texas.
Nagsasagawa rin ang estado ng pagsusuri ng voter rolls upang alisin ang mga hinihinalang hindi karapat-dapat na mga pagpaparehistro, na sa nakaraang panahon ay mayroong naturalized citizens na hindi tamang hinudyatan. Pinipigilan ng batas pederal ng estado ang pag-aalis ng mga reghistradong botante simula 90 araw mula ang isang eleksyon pederal maliban na lamang kung namatay ang botante, nahatulan sa isang krimen o kaya naman ay idineklarang mayroong kapansanang mental. Ang ibig sabihin, ang mga naturalized citizens ay hindi dapat alisin sa voter rolls nang dahil sa katanungang ukol sa kanilang pagkamamamayan pagkatapos ng Agosto 10. Kung iyong inaalala ang iyong pagpaparehistro bilang botante, maaari mo itong maberipika dito.
“Hinihimok namin ang mga tao na gawin ito bago ang Oktubre 11 na takdang-petsa, nang sa gayon ay mayroon silang sapat na oras na ayusin ang anumang usapin,” ani Taylor.
Subalit kung ang botante ay hinudyatan nang hindi tama, ayon kay Taylor ay maaari pa rin silang makaboto kung magpapakita sila ng katunayan ng pagkamamamayan tulad ng naturalization certificate o pasaporte ng U.S., sa lugar ng botohan.
Ano ang aking gagawin kung lumipat ako ng tirahan pagkatapos ng nakatakdang-petsa na magparehistro bilang botante?
Nararapat na nakatira ka sa Texas county sa takdang-petsa ng pagrehistro bilang botante upang makaboto sa papalapit na eleksyon maliban na lamang kung kwalipikado ka para sa pagboto ng absentee.
Kung lumipat ka ng tirahan sa loob ng parehas na county o political subdivision, maaari kang bumoto sa nauna mong polling location. O maaari ka ring bumoto sa iyong bagong polling location sa balotang limitado sa eleksyon kung saan ka kwalipikadong bumoto sa parehong polling locations, tulad ng mga eleksyon pang-estado. Ngunit mayroon lamang na limitadong mga balota tuwing early voting sa “main early voting polling place,” na karaniwang sa opisina ng administrator ng eleksyon o county clerk na nangangasiwa ng eleksyon sa inyong county. Ang main early voting polling place ay dapat na isaalang-alang sa listahan ng early voting locations o lugar ng maagang pagboto ng county.
Ang mga kwalipikadong taong walang tinitirhan o walang tinutuluyan ay maaaring bumoto, ayon kay Taylor, hanggang makapagbibigay sila ng tirahan at paglalarawan kung saan sila nakatira, sa kanilang pagpaparehistro. Kung kinakailangan, ang kanilang address pang koreo ay pwedeng maiba ngunit ang isang P.O. box address ay hindi maaaring ilista bilang residence address.
Ano ang aking dapat gawin kung magkaroon ng problema sa aking pagrehistro bilang botante?
Kung mayroon kang katanungan o gustong linawin tungkol sa iyong pagpaparehistro, maaari mong hanapin ang contact ng pagpaparehistro bilang botante ng iyong county dito. Sa loob ng polling locations, mayroong makikitang “resolution desks” kung saan maaaring asikasuhin ng poll worker ang inyong katanungan tungkol sa pagpaparehistro. Makakakita ka rin ng mas marami pang impormasyon tungkol sa mga madalas itanong na mga katanungan mula sa opisina ng kalihim ng estado sa votetexas.gov.
Paano ko malalaman kung ako ay karapat-dapat o kwalipikado na bumoto by mail?
Ang opsyon na ito ay limitado sa estado ng Texas. Maaari kang payagan na bumoto by mail kung:
Ikaw ay magiging 65 taong gulang or mas matanda pagdating ng Araw ng Eleksyon.
Wala ka sa iyong county sa buong oras na sumasaklaw sa botohan, kasama na ang early voting.
Tutukuyin o babanggitin mo ang karamdaman o kapansanan na pumupigil sa iyo upang makaboto nang personal at nang hindi nangangailangan ng paggabay o kung ito ay may posibilidad na makampamiminsala sa iyong kalusugan.
Inaasahang ikaw ay manganganak sa loob ng susunod na tatlong linggo bago o pagkatapos ng Araw ng Eleksyon.
Ikaw ay nakakulong sa bilangguan ngunit kwalipikadong bumoto (hindi nahatulan na gumawa ng isang krimen).
Ang mga estudyante sa kolehiyo na nakarehistro at nakatira sa Texas, tulad ng sa tirahan ng magulang, ngunit nag-aaral sa labas ng estado ng Texas, ay maaaring mag-apply para sa balota na absentee. Ang mga estudyanteng nag-aaral sa Texas na nakatira sa ibang mga estado ay maaari ring piliin na magparehistro upang bumoto sa estado, gamit ang kanilang dorm o Texas address.
Kung ikaw ay boboto nang absentee, tulad ng kung ikaw ay taga-ibang bansa, at nais mong makita kung ano ang nakalagay sa balota, maaari kang kumuha ng sample ballot mula sa iyong county, ayon kay Taylor. Ang impormasyo ng balota ay dapat na sertipikado na sa September 1, at nang sa gayon ay maisasaayos na ang lokal na balota, ayon pa kay Taylor. Ang mga sample ballot ay karaniwang nakikita sa website ng eleksyon ng county.
Anong pagkakakilanlan ang kinakailangan upang makaboto by mail?
Pinapaalalahanan ng opisina ng kalihim ng estado ang mga botante na magbigay ng ID number na parehas sa mail-in na balota at carrier envelopes. Nagsagawa ang Texas Legislature noong isang taon ng mga bagong alituntunin sa pagkakakilanlan tungkol sa voting by mail na nag-uudyok sa mga botante na magbigay ng kanilang lisensya pangmaneho o state ID number o kung hindi pa sila nabibigyan ng mga nabanggit, ang huling apat na numero ng kani-kanilang Social Security number na ilalagay parehas sa aplikasyon para sa balota at sa carrier envelop na gagamitin upang isauli ang nakumpletong balota. Kung wala sila ng kahit anong numerong nabanggit, maaaring ilagay ng mga botante na hindi pa sila nabibigyan ng pagkakakilanlan.
Mahigit na 24,000 na Texans ang nawalan ng kanilang boto noong primary eleksyon nung Marso dahil mahigit-kumulang 12.4% ng mail-in na balota ay tinanggihan sa ilalim ng bagong batas ukol sa pagboto. Dahil mas marami nang botante sa primary ang nakakaalam na ng bagong kinakailangan, ang porsyento ng tinanggihang mail-in na balota ay bumagsak sa mas mababa sa 4% noong runoffs nung Mayo, ayon kay Taylor. Ngunit mas kaunting mga botante ang lumahok sa runoff na eleksyon, na nagkaroon ng pinagsamang turnout na humigit-kumulang 8%, ayon sa opisina ng kalihim ng estado. Kumpara ito sa halos 18% turnout para sa primaries noong Marso.
Bago ang primary noong Marso, daan-daang aplikasyon ng botante para sa mail-in na balota ang tinanggihan din, sa ilang mga kaso dahil nagbigay sila ng numero ng lisensya na wala sa file ng estado. Iminungkahi ng kalihim ng estado na makipag-ugnayan sa iyong lokal na taga-rehistro ng botante upang magtanong tungkol sa kung paano magdadagdag ng isa sa mga kinakailangang numero sa iyong voter registration record o talaan ng iyong pagkarehistro bilang botante.
Iminumungkahi ng ibang mga tagapagsulong ng pagboto na isama ng mga botante ang kanilang lisensya pangmaneho o state ID number at ang huling apat na numero ng kanilang Social Security number, kung mayroon silang pareho nito, upang maiwasan ang mga isyu o usapin.
Ang kawalan ba ng kaligtasan sa sakit na COVID-19 ay maituturing na isang kapansanan o disability ngayong mayroong pandemya?
Habang ang kawalan ng kaligtasan sa sakit na COVID-19 lamang ay hindi nagpapahintulot sa isang botante na humiling ng isang balota batay sa kapansanan, ang Korte Suprema ng Texas ay nagpasiya noong 2020 na nasa mga botante na ang pagdedesisyon kung ang kawalan ng kaligtasan sa sakit, kasama ng kanilang kasaysayang-medikal, ay nakatutugon sa pamantayan ng estado sa pagiging karapat-dapat.
Tandaan na ang depinisyon ng kodigo ng eleksyon ng Texas para sa kapansanan ay mas malawak kaysa sa iba pang mga pederal na kahulugan. Ang isang botante ay karapat-dapat na bumoto sa pamamagitan ng sulat/koreo o voting by mail kung mayroon silang “karamdaman o pisikal na kondisyon” na pumipigil sa kanilang bumoto nang personal ng walang posibilidad na “nangangailangan ng personal na tulong o makapipinsala sa kalusugan ng botante.” Sa botante na mismo nakasalalay ang pagdedesisyon tungkol dito, at ang mga opisyal ng eleksyon ay walang kapangyarihan na kwestyunin ang pangangatwiran ng isang botante.
Anong uri ng selyo ang kailangan ko upang maibalik ang aking balota sa koreo?
Depende ito kung saan ka naninirahan. Ang selyo para sa mail-in na mga balota ay mag-iiba ayon sa county dahil ang estilo at sukat ng balota ay maaaring maagkakaiba sa bawat county — at ang ilang mga county ay maaaring magbayad ng selyo para sa iyo. Ang mga lokal na opisina ng eleksyon ay dapat magkaroon ng mga detalye kapag ang mga balota ay naisapinal na. Dahil dito, kung wala kang sapat na selyo, hindi dapat ibalik sa iyo ang iyong balota. Sa halip, ang Postal Service ay dapat na maghatid ng balota at singilin ang county para sa kulang o nawawalang selyo.
Paano kung mayroong isyu sa aking mail-in na balota?
Pahihintulutan ng Texas ang mga botante na itama ang kanilang mail-in na mga balota kung ang mga balota ay nasa panganib na tanggihan para sa isang pagkakamali na teknikal, kabilang na rito ang nawawalang impormasyon o mga lagda. Gayundin ang susundin kapag mayroong mga isyu sa mga aplikasyon para sa mga nasabing balota. Responsibilidad ng mga opisyal ng county na alertuhin ang mga botante kung mayroong depekto sa kanilang aplikasyon o balota.
Maaaring gumamit ang mga botante ng bagong online ballot tracker upang suriin ang katayuan ng kanilang aplikasyon para bumoto sa pamamagitan ng koreo at ng kanilang balota. Ang tracker ay maaari ring gamitin upang gumawa ng mga pagwawasto. Maaari mong ma-access ang tracker dito. Ang huling araw upang itama ang mga mail-in na balota ay sa Nobyembre 14.
Paano ko mahahanap ang lugar ng botohan na malapit sa akin?
Inaasahang ilalagay ng opisina ng elekyson ng county sa kanilang websites ang mga impormasyon tungkol sa mga lugar ng botohan o polling locations para sa Araw ng Eleksyon at para sa early-voting period o oras ng maagang botohan sa Oktubre 18. Ang website ng kalihim ng estado ay magbibigay rin ng impormasyon tungkol sa mga lugar ng botohan o polling locations kapag malapit na ang simula ng botohan. Ganunpaman, maaari pa ring maiba ang mga polling location kaya siguraduhin na suriin ang website ng eleksyon ng iyong county bago bumoto.
Ano ang aking gagawin kung wala akong wastong photo ID?
Maaari pa ring makaboto ang mga botante kung pipirma sila ng form na nanunumpa na mayroon silang “reasonable impediment” o makatwirang hadlang na kumuha ng tamang photo ID. Ngunit kailangang magpakita ang mga botante ng isa sa mga sumusunod na uri ng supporting identification document o pagsuporta na dokumentong pagkakakilanlan :
Isang valid voter registration certificate.
Isang na-sertipika na sertipiko ng kapanganakan o certified birth certificate.
Isang dokumento na kumukumpirma sa iyong kapanganakan na tatanggapin ng korte at magpapatunay ng iyong pagkakakilanlan (maaaring isang dokumento ng panganganak mula sa ibang bansa).
Isang kopya or orihinal na pangkasalukuyang utility bill, bank statement, government check, paycheck or iba pang dokumento na magpapakita ng pangalan at tirahan ng botante. (Ang ano mang dokumento mula sa gobyerno na mayroong larawan ng botante ay dapat na orihinal.)
Kung mayroon ka namang wastong photo ID subalit nakalimutan mo ito, maaari kang bumoto ng provisional na balota ngunit kakailanganin mong pumunta sa local na opisina ng taga-rehistro ng botante sa loob ng anim na araw ng eleksyon upang ipakita ang isang katanggap-tanggap ng ID o dokumentasyon at nang sa gayon ay mabilang ang iyong balota. Ang isang rehistradong botante na walang wastong ID photo or kahit ano mang mga dokumentong pagsuporta ay maaaring bumoto ng provisional na balota.
Ano ang kahulugan ng pandemya sa pagboto ngayong eleksyon?
Mapapansin ninyo na ang marami sa mga pag-iingat na nakasanayan na natin noong mga nakaraang taon, kasama na ang hand sanitizer at palagiang paghuhugas ng kamay.
Sa mga county na mayroong makinang electroniko kung saan ang mga botante ay pumipili muna bago i-print ang mga balota, maaaring makatanggap ang mga botante ng pambalot ng daliri, na kilala sa tawag na finger cots.
“Hindi ito kinakailangan ngunit maraming mga county ay ginagawa itong maaring magamit para sa kanilang mga botante upang gawin silang mas komportable na hawakan ang voting machine screen na hinawakan na ng ibang mga botante,” ani Taylor.
Ang mga poll worker ay maaaring nakasuot ng face mask at iba pang kagamitang pangproteksiyon ngunit hindi kinakailangang na mag-mask ang mga botante datapwat inirerekomenda pa rin ng mga pederal na opisyal ng kalusugan ang pagsusuot ng mask sa loob ng mga pampublikong lugar sa mga distrito na may mataas na kaso ng hawahan.
Ano ang aking dapat na gawin kung mayroon akong planong bumoto nang personal ngunit ako natuklasan na mayroong COVID-19?
Kung nahawahan ka ng COVID-19 o ikaw ay nagpapakita ng sintomas nito, isaalang-alang mo na humiling ng emergency early voting ballot o gumamit ng curbside voting.
Emergency ballot: Maaaring hilingin ang balotang ito kung mayroon kang karamdaman or nagkaroon ka ng kapansanan malapit sa araw ng eleksyon at hindi mo kayang pumunta sa lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon. Upang maging karapat-dapat, ikaw ay magtatalaga ng kinatawan na magpapasa ng iyong aplikasyon nang personal at mayroong siyang dala-dalang sertikipadong nota mula sa doktor. Ang aplikasyon ay dapat na matanggap ng early voting clerk ng iyong county bago mag-ika-5 ng hapon sa Araw ng Eleksyon.
Dapat na maibalik ang iyong balota ng iyong kinatawan bago mag-ika-7 ng gabi sa Araw ng Eleksyon upang ito ay mabilang.
Makipag-ugnayan lamang sa opisina ng eleksyon ng inyong county para sa mas maraming detalye tungkol sa emergency early-voting ballot nang dahil sa karamdaman o kapansanan.
Curbside voting: Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong opisina ng eleksyon ng inyong county upang malaman kung karapat-dapat ka ba sa curbside voting, na dapat ay maaring magamit sa lahat ng lugar ng botohan para sa mga botanteng mayroong kapansanan na hindi makakapasok sa mga lugar ng botohan. Mayroong mga county na may nakatakdang paradahan para sa mga curbside voters habang ang iba ay gumagamit ng sistemang parang doorbell upang malaman ng poll workers kung maglalabas sila ng portable voting machine.
Paano ko malalaman kung nabilang ang aking provisional na balota?
Kung bumoto ka sa pamamagitan ng provisional na balota bunsod ng isyung administratibo o problema sa photo ID, dapat ay makakatanggap ka ng sulat na magsasabi kung nabilang ang iyong balota sa loob ng sampung araw matapos ang local canvass, na opisyal na pagbibilang ng mga boto.
Ang opisyal na pagbibilang ng mga boto sa lokal na antas ay maaaring mangyari mula Nobyembre 11 -22, ayon sa kalendaryo ng batas ng eleksyon ng estado, kaya ang mga sulat ay dapat na maipadala bago mag-Disyembre 2.
Paano ko malalaman kung nabilang ang mga regular na balota?
Maaaring tingnan ng mga botante sa county opisyal ng eleksyon ng kanilang county upang makita kung ang kanilang mga boto ba ay nabilang ba, ani Taylor.
“Kung ikaw ay rehistradong botante, maari kang makipag-ugnayan sa iyong county upang malaman kung mayroon silang kasaysayan ng iyong pagboto,” binaggit nya.
Dapat na ireport electronically ng mga county sa kalihim ng estado ang kasaysayan ng pagboto sa loob ng 30 araw ng eleksyon (Disyembre 8) at ang takdang-petsa para sa opisyal na bilang ng estado ay Disyembre 12.
Anong datos tungkol sa botante o voter data ang pampublikong impormasyon?
Ang kasaysayan ng pagboto, o kung ang isang tao ay bumoto sa isang eleksyon, ay pampubliko. Kasama dito ang kasaysayan ng pagboto sa primary, kung kailan ang mga botante ay pipili kung Republican ba o Democratic na primary ang bobotohan nila. Subalit, ang kung sino ang iyong ibinoto ay hindi pampublikong record.
“Ang mga balota ay walang pagkakakilanlan,” sani ni Taylor. “Ganunpaman, ang pampublikong impormasyon ay ang mismong pagboto mo, at ang nasabing balota ay nabilang.”
Pagsisiwalat: Ang kalihim ng estado ng Texas ay isang pinansyal na taga-suporta ng The Texas Tribune, isang nonprofit, nonpartisan na organisasyong pambalita na bahaging pinondohan ng mga donasyon mula sa mga miyembro, mga pundasyon at mga corporate sponsor. Walang papel na ginagampanan ang mga pinansyal na taga-suporta sa pamamahayag ng The Tribune. Humanap ng kumpletong listahan ng mga ito dito.